The names of the suspects behind the incident with flight attendant Christine Dacera, have been released


The names of the suspects behind the incident with flight attendant Christine Dacera, have been released

Inilabas na ng Makati PNP ang mga suspek sa likod ng nangyari sa flight attendant na si Christine Dacera, 23, residente ng General Santos City.

12 kalalakihan ang nasa listahan ngayon ng pulisya na posibleng kasama ni Dacera bago siya makitang wala ng buhay sa bath tub ng isang hotel sa Makati.

Sila ay sina:

1) Gregorio Angelo de Guzman
2.) Louie de Lima
3.) Clark Jezreel Rapinan
4) Rey Englis
5) Mark Anthony Rosales
6) Jammyr Cunanan
7) Valentine Rosales
8.) a certain Ed Madrid
9.) a certain Paul
10.) John Pascual Dela Serna III
11.) Rommel Daluro Galido
12.) John Paul Reyes Halili

Nasa kustodiya na ng kapulisahan si Serna, Galido at Halili na napabalitang unang nakakita sa biktima at humingi ng tulong sa mga staff ng hotel.

Ayon sa imbestigasyon ay ang orihinal na kasama ni Dacerna ay pawang sila Serna, Galido at Halili lamang ngunit bigla na lamang sumali ang 9 pang kalalakihan sa kanilang 'party'.

Hindi diumano alam ni Dacerna na may karagdagan pang sasali sa kanila.

Todo naman ang dalamhati ng ina ng biktima dahil hindi niya inaakala na may mangyayaring masama sa kanyang anak.

Ikinuwento niya rin sa isang panayam na kausap niya pa ang kanyang anak at pinaalam pa nga nito kung sino ang kanyang mga kasama.

Read the full article on dailybncnews.com >


KEEP READING:

About netiviral

Loading...